Sunday, February 11, 2007

Stupidity in the Jeep

Marami man ang nakakaasar at nakakasira ng araw na pagkakataon na maaring mangyari sa iyong pagsakay sa isang pampasaherong jeep, meron din namang nakakatuwang parte kung iyo lang oobserbahan. Gaya nito:

Ale: Mama magkano po ang Quiapo?
("Hehehe. Naku ale mahal po ang Quiapo.." sa isip ko)


O di naman kaya ay ganito ang situation:

Ale: Mama bayad po.
Driver: Saan ito?
Ale: Isa lang
(Oooops teka ano ba ang tanong?)
Driver: Ilan po ito (mahinahong tanong ng driver)
Ale: Araneta lang po.
(Ang labo no pero parang nasanay na ang mga driver sa ganung katangahan ng
mga pasahero)

Minsan naman ay ganito:

Ang driver ay paulit-ulit na nagtatanong dahil nga sa maingay ang paligid idagdag pa ang mahinang boses ng nagbabayad. Napapangiti na lang ako at ako na ang nagsisilbing amplifier ng naturang pasahero.

Ang pasahero na di mo malaman kung ano ba ang problema at nakabukaka o di naman kaya ay nakatagilid pa na animo'y walang pakialam sa kanyang paligid na kahit ang simpleng pag-abot sa bayad ng ibang pasahero ay di magawa.



Sana naman maging mapagmasid tayo, sana'y maisip nating makisama at makipagtulungan. Ang mga PILIPINO ay hindi tanga dangan nga lang at hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga simpleng bagay.

http://hamakatpayak.blogspot.com/

1 comment:

demeter said...

nice work on your new blogs. hahaha.. . isa lang... very funny. Pero tama ka, its time we filipinos rise up and be proud of our heritage. I'm not speaking of just "pride", marami nang mga pinoy na "ma-pride" pero wala namang alam. (mostly in congress pa)