Monday, February 12, 2007

Rights and Its Resposibility

Natatandaan ko pa ang sinabi ng speaker noon sa isang seminar sa aming school. Ang sabi nya "Lahat tayo ay may karapatan. Ngunit bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad." Simple lang ang kanyang sinabi ngunit may mabigat na kahulugan.

Gaya ng mga sumusunod na pagkakataon:

Karapatan ng bawat isa ang magsaya (mag-inom, mag-videoke) ngunit tungkulin din ng bawat isa ang igalang ang karapatan ng iba. Lahat ay may karapatang maging masaya basta't ilagay lang sa tama.

Karapatan ng bawat isa ang mabuhay o gumawa ng paraan para mag-survive para sa araw-araw. Ang mga holdupper, snatcher, mandurukot at mga magnanakaw ay may karapatang mabuhay at makaraos sa pang-araw araw na pangangailangan ngunit hindi naman tama ang mag-take advantage sa kahinaan ng iba. Kawawa naman ang mga nagiging biktima.





http://hamakatpayak.blogspot.com/

1 comment:

demeter said...

true, it is everyones responsibility to think of the welfare of others and not just oneself. We have a right to happiness but not at the expense of others.