Sunday, February 11, 2007

Past Time Tricky Question

Gusto ko lang po i-share ang ilan sa mga paborito kong tricky question. Heto po ang ilan at sana'y maibigan nyo:

NOTE: Para malaman ang tamang sagot, i-highlight lang po ang nakatagong sagot pagkatapos ng word na "SAGOT".

1. Isang araw inutusan ka ng nanay mo na bumili ng kalamansi at binigyan ka ng piso (1 peso). Pag dating mo sa tindahan, nagtanong ka sa tindera kung magkano ang kalamansi. Tatlo kinse (3 pieces for 15 cents) ang sabi nya.

Eto ang tanong, ilang piraso ng kalamansi ang mabibili mo at magkano ang sukli?

SAGOT: 20 piraso at wala ng sukli.


2. Isang araw wala kang kapera pera, kaya naglakad ka na lang papunta sa pupuntahan mo. Sa unang kanto, nakapulot ka ng dalawang piso(2 pesos). Sa sumunod na kanto, nakapulot ka ulit ng tatlong piso (3 pesos). May nadaanan kang tindahan at naisipan mong bumili ng tinapay. Tinanong mo ang tindera kung magkano ang tinapay at nalaman mong 3.50 pesos ang halaga ng tinapay. Nagbayad ka at kinain na ang tinapay.

Eto po ang tanong, magkano ang sukli mo?

SAGOT: 50 cents (you have 5 one peso coins so you only pay an amount of 4
pesos).


3. May isa kang kaibigan na nasa ospital at napagpasyahan mong dalawin ito. Kaya lang kailangan magbigay ng lagay sa bawat guard sa bawat palapag (floor) ng ospital. Eto ang condition, kailangan mong ibigay ang kalahati ng kasalukuyang dala mo at ibabalik nya ang isang piraso. Sa kasamaang palad ng araw na yun ang nadala mo lang ay mga hilaw na itlog. Ilang itlog ang dadalhin mo para pagdating sa 10th floor may itlog ka pang dala para sa kaibigan mo.

Halimbawa nagdala ka ng sampung itlog, sa first floor ibibigay mo ang lima at ibabalik nya ang isa. Para sa second floor, may dala ka pang anim na itlog. Ibibigay mo ang tatlo at ibabalik nya ang isa. Para sa third floor, may kang apat pang itlog. Ibibibgay mo ang dalawa at ibabalik nya ang isa. Para sa fourth floor, may tatlo ka pang itlog at sa kasamaang palad hindi ka na maaring magtuloy dahil hindi na pwedeng hatiin pa ang tatlong hilaw na itlog.

SAGOT: Dalawang hilaw na itlog


4.Sooner.





http://hamakatpayak.blogspot.com/

2 comments:

kierzeivionzei said...
This comment has been removed by the author.
kierzeivionzei said...

2 lang dadalhin? 10th floor? hehe pakisagot po.