Sunday, February 11, 2007

Dirty Secret of SOME Police

Nakakainis talaga ang ilan sa ating mga kapulisan. Natatandaan ko pa ng ako ay may nakasakay na isang estudyanteng tulad ko. Umagang umaga noon papasok pa lang ako sa isang di kilalang unibersidad dyan sa ka-Quiapoan. Ikinuwento ng estudyante na na-holdup daw sya noong umagang iyun mga bandang alas syite (7 AM) habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep. Ang sabi pa, ang ikinapagtataka pa nya ay kung bakit ang driver ay di nakiki-alam. Di nakatiis ang driver ng jeep na sinasakyan namin kaya ito nakisali sa kwentuhan namin, "Paano kami makikialam eh kilala na namin ang mga iyan isa pa protektado iyan ng mga pulis!". "HO?" ang malaking tanong ng estudyante. "Oo kasi sa tatlong holdup o snatch o dukot may parte ang pulis. Dalawa sa pulis at yung pangatlo malinis na iyun para sa worker". Maya maya lang pumara na ang estudyante sa tapat ng RAON, criminology pala ang course ng estudyante.

Ano kaya ang naramdaman ng estudyanteng iyun matapos marinig ang katotohanan?

Posible kayang magsilbi syang daan para malinis ang pangalan ng ating kapulisan at magsilbing huwaran sa mga kabataan o kanya kayang tutuluran ang marumi at bulok na pamamaraan ng ilan na para ng butete ang mga tyan dahil sa pagiging batugan.

1 comment:

demeter said...

wow, I never heard of that modus operandi ha. The very people who we trust to protect are the ones who harm us. And we actually pay HEAVY TAXES para suwelduhan ang mga gagong yan?! Wow, dapat maging vigilante nalang tayo lahat.